
I seldom talk about love. hindi ko alam exactly kung bakit hindi ako detalyado magkwento pagdating sa usaping puso. ilan lang talagang mga tao sa buhay ko ang pinagkakatiwalaan ko ng kwento tungkol sa puso ko. ilan lang tlaga sila..
ngayon, dahil malayo ako, walang sasalo sa mga kwento ko, at siguro dahil na rin kailangan kong isulat kun gano mang pinagdadaanan ko ngayon, andito ako, tumambay sa comfort zone ko, at hinahayaan ko lang isulat ang kun ganumang sumagi sa isip ko. siguro dahil mabigat na rin sa pakiramdam. isip ka ng isip. pero sabi nga ng isa kong kaibigan, wala nmang mangyayari kung iisipin mo..hindi nmn masusulusyunan.
simula college ako, naramdaman ko na siguro halos lahat ng sakit na pedeng maramdaman ng isang taong nagmamahal... ako at si aj mismo ang witness kung paano ko iginapang ulit ang sarili ko pataas. kung paano ko muling nakita kung paano maging masaya at pahalagahan ang sarili. nagkaron ulit ako ng self worth. sinubukan kong maging matibay. at natutunan ko. hindi ko pala tlga kailangan ng taong anjan araw araw, o katext mo minuminuto o anjan para sayo kahit anung oras. pero hindi lang para sayo, hindi lang kase ikaw. hindi ko pala kailangan ng exclusive partner at relationship para maging masaya ang buhay ko. natutunan kong pahalagahan at mahalin ang sarili ko.... ilang taon akong nag masteral pagdating jan. pinilit kong isaksak sa utak ko ang sinabi sakin ni bambie... try mo lang ng itry.. kung pumalpak ka ngayon, try mo uli tbukas.. hanggang di mo namamalayan, nagawa mo na. tama nga sya. dumating talaga ang panahong na master ko na, high grades na ang mga nakukuha ko, di na ko iskulbukol pagdating sa pagmamahal. nasa row 1 na ko. hindi na ko nsasaktan at naging masaya na ang buhay ko.
marunong na ako ng sinasabi nilang "guard your heart.." nagawa ko na yun for 4 years. ang galing diba. pero paano n alang kun gmay bigalang sumating sa buhay mong makakapagpabago ng lahat? yung tipong back to square one ka? yung start from scratch ka? yung naipon mong strength ng mahabang panahon eh parang hinigop na lang ng kung ano, at wla ka ng magawa kundi magmahal ulit... kundi makita ang sarili mong papunta na sa sitwasyong hindi mo inakalang babalikan mo pa.
KASALANAN KO BA? sabi nga ng kanta. magpapakatotoo ako. pinilit ko nman gawin ulit ung "guard your heart" na yan... pero wala na akong nagawa. hindi ko na alam kung paano pa pipigilan ang pusong magmahal para sa taong hindi ko dpat mahalin. sabi ni ate apple, kaya siguro nasasaktan ang taodahil wrong person siguro sya. WRONG PERSON. ang bigat ng salita. may wrong person ba para mahalin? sabi nga ng mga bakla, walang kasarian ang pagmamahal. when you love, you just love. pati nga mga aso nagmamahalan eh. kahit nga bulaklak. may wrong flower din kaya? or wrong dog to love? hindi mo nman kase alam kung bakit ka nagmamahal, at ndi mo mapili kung sinong taong mamahalin mo. babae, lalaki, tao man o kung anumang meron sa mundo na may kakayahang magmahal. hindi mo nmn mtuturuan ang puso. pero may point si ate apple, paano nga kaya kung wrong person? bakit nga ba magiging wrong person?dahil ba hindi kayo pede? o dahil ba hindi ka nya mahal?
sinubukan ko na lahat ng paraan para hindi ko mahalin ang taong hindi ko naman dapt mahalin. naging good friend ka n alng, nakigimik ka na lng s knya, o kaya di mo n alng pinahalatang meron kahit gusto mo ng sabihin. mahirap lahat ng ginawa ko.. at hindi ko rin nmn alam kung paano ko nagawa lahat ng pagtatakip at pagtatagong yun. o duwaglang talaga akong aminin. bakit ako aamin/ kailangan ba? hindi nman ata. pero nasagot ko na rin yan eventually. kelangan ko lang pala tlgang i acknowledge na mahal ko sya. yun lang. hindi ko n adapat aminin personally sa knya. pero kailangna kong tnaggapin sa sarili kong kahit anong pilit ang gawin ko... mahal ko tlaga sya. ganun tlaga siguro....
(sna bukas, o sa isang araw, o sa isang linggo, maituloy ko to..)